Friday, July 6, 2007

payo ni inay

Anak, as you grow up
always remember this.
You can never please everybody.
Be strong in what you believe in.
You are different from the rest.
You are gifted and unique
so you better be thankful for these.
You may think differently
but that does not mean you are wrong.
You have to know the difference
between what is good and what better.
But you always have to do your best.

anting-anting


Ito ang anting-anting ni bunso.
Swerte kaya o hinde?
Para sa akin, swerte ito
dahil hindi lahat ng tao ay may ganito.
Ikaw ba meron?
Ang cute diba?

mga inspirasyon ni inay

Thursday, July 5, 2007

simangot na ngiti











Kahit saang angulo mo man tignan
ang mga itchura ng larawang ito
hindi mo mapipigilan ang sarili
na mapatawa't mapangiti
at siguradong gagaan na ang araw mo.


isa na ring ina

Ang pagmamahal ng ina sa kanyang anak ay walang katapusan.
Hindi ito maihahalintulad sa kahit anu pa man.
Sadyang ang puso ng ina ay nakakabit sa anak.
Sa kahit saang sulok man ang kanyang itahak.

Mahal ko si inay.
Siya ang aking patnubay.
Makulit man minsan,
pero hindi ako nililisan.

Ngayong ako ay isa ng ina,
alam ko na ang pakiramdam.
Kung paano magmahal ang isang ina
sa kanyang anak na napakahalaga.

Pagiging handa

Noong bata pa ako
Sabi ni inay,
"Anak, huwag ka masyadong iyakin.
Dapat ihanda mo ang iyong sarili sa anumang
pwedeng mangyari..."

Hindi ko maintindihan si inay noon.
Paano ko paghahandaan ang mga bagay na hindi ko naman alam na mangyayari?
Patuloy pa rin ako sa pagiging balat sibuyas.
Pero hindi naglaon, naintindihan ko na si inay.

Ngayong ako ay mas nakakaintindi na sa buhay
at may mga karanasan na sa buhay
alam ko na ang sinasabi ni inay.
Maging handa sa lahat ng bagay.

Dapat tapangan ko ang aking sarili.
Huwag iiyak agad.
Harapin angkatotohanan.
Ganyan talaga ang buhay.

Tuesday, July 3, 2007

Simpleng buhay

Noong ako ay bata pa,
madami akong naaalalang
mga bilin mula kay inay.

Sabi ni inay,
Anak, matuto kang magbigay sa iba.
Hindi lahat ng bagay ay iyo.
Kaya dapat matuto kang maging mapagbigay.
Magpasalamat sa mga biyayang nakukuha mo.
Huwag mainggit sa iba.
Kung wala ka, magpasensya.
Kung meron ka, magpasalamat.

Parang ang simple lang ng buhay nung sinabi iyon ni inay.
Sa mata nga ng bata, talagang simple lang ang buhay.
Sana bata pa ako muli ng maranasan ang simpleng buhay.

Monday, July 2, 2007

Para sa mga ina

Ang pahina na ito ay inaalay ko sa lahat ng mga ina na...

may makukulay na buhay
minamahal
nagmamahal
nagsasakripisyo
nag-aaruga
nag-aalala
nagpapayo
nagbibigay
nagtitiis
nagsasaya
nagpapasaya
at
nagbibigay buhay sa buhay ng iba

Mabuhay ka inay
Isa kang dakila
Nag-iisa
Walang katulad