Noong bata pa ako
Sabi ni inay,
"Anak, huwag ka masyadong iyakin.
Dapat ihanda mo ang iyong sarili sa anumang
pwedeng mangyari..."
Hindi ko maintindihan si inay noon.
Paano ko paghahandaan ang mga bagay na hindi ko naman alam na mangyayari?
Patuloy pa rin ako sa pagiging balat sibuyas.
Pero hindi naglaon, naintindihan ko na si inay.
Ngayong ako ay mas nakakaintindi na sa buhay
at may mga karanasan na sa buhay
alam ko na ang sinasabi ni inay.
Maging handa sa lahat ng bagay.
Dapat tapangan ko ang aking sarili.
Huwag iiyak agad.
Harapin angkatotohanan.
Ganyan talaga ang buhay.
Thursday, July 5, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment