Friday, December 7, 2007

Anak, kung ikaw man ay magaasawa na, piliin mo ang taong kapareho mo ng goals sa buhay, values sa buhay at status sa buhay. Huwag kang mag hangad ng labis. ang iyong tignan ay ang kalooban ng taong mahal mo. Dapat mahal mong tunay at mahal kang tunay. Huwag kang padadala sa mga panlabas na bagay na maaari niyang ibigay sa iyo dahil hindi ito masusukat ang tunay na pagmamahal.

Maging totoo ka sa iyong sarili. HUwag kang padadala sa mga desisyon ng iba. Kung ano ang nararapat at kung ano ang iyong nararamdaman, iyon ang sundin mo. Huwag kang matakot kung ayaw ng iba sa taong mahal mo, basta't tandaan mo lang na kahit na ano man ang mangyari ay ikaw ang makikibagay sa taong iyan.

May mga bagay tayong nagagawa na hindi natin alam ay mali pala. Makinig sa payo ng iyong magulang at kaibigan ngunit ikaw pa rin ang huling magdedesisyon. Maging matalino at listo. Always pray for your decisions. God will lead you to the right path.

No comments: