Noong ako ay bata pa,
madami akong naaalalang
mga bilin mula kay inay.
Sabi ni inay,
Anak, matuto kang magbigay sa iba.
Hindi lahat ng bagay ay iyo.
Kaya dapat matuto kang maging mapagbigay.
Magpasalamat sa mga biyayang nakukuha mo.
Huwag mainggit sa iba.
Kung wala ka, magpasensya.
Kung meron ka, magpasalamat.
Parang ang simple lang ng buhay nung sinabi iyon ni inay.
Sa mata nga ng bata, talagang simple lang ang buhay.
Sana bata pa ako muli ng maranasan ang simpleng buhay.
Tuesday, July 3, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment